LPA sa Silangan ng Northern Luzon, isa nang Tropical Depression Fabian

Isa nang Tropical Depression ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa Silangan ng Northern Luzon.

Ayon sa PAGASA, pinangalanang Fabian ang bagyo.

Nauna nang sinabi ng Weather Bureau na maliit ang tsansa na tumama sa kalupaan ang bagyo ngunit maaaring palakasin nito ang Habagat sa mga susunod na araw.

Wala pang direktang epekto ang bagyo sa alinmang bahagi ng bansa pero pinapayuhan ang publiko na mag-antabay sa susunod na mga advisory na ipalalabas ng PAGASA.

Samantala ang LPA na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ay mababa ang tsansa na madevelop bilang bagyo.

Huli itong namataan sa layong 240 kilometers Northwest ng Laoag city.

Please follow and like us: