Lubao at Floridablanca sa Pampanga, makararanas ng power interruption sa Linggo

Mawawalan ng suplay ng kuryente ang ilang bahagi ng Lubao at Floridablanca sa Pampanga.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), makararanas ng power interruption ang ilang bahagi ng Lubao kabilang ang Brgy. Santiago at Purok 4 sa Brgy. Lourdes Lauc Pau, maging ang ilang bahagi ng Floridablanca na kinabibilangan ng Sitio Kulubasa sa Brgy. Anon.

Ito ay sa darating na Linggo, Oktubre 3, mula alas-7:00 ng umaga hanggang ala-6:00 ng hapon.

Ang power interruption ay bunsod ng gagawing pagsasa-ayos at replacement ng OHGW at tower span nos. 10-15, na nasa kahabaan ng San Jose Hermosa 230 KV line, at R.O.W line clearing.

Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng NGCP sa mga apektadong residente.

Arnold Batario

Please follow and like us: