Luzon Grid , naka red alert

Isinailalim sa red alert ang buong Luzon grid dahil sa hindi inaasahang shutdown ng ilang planta ng kuryente.

Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), mula ala 11:00 ng umaga hanggang kaninang alas 3:00 ng hapon umiral ang red alert sa Luzon dahil sa kapos na suplay ng kuryente at halos walang reserba.

Sa datos ng NGCP, ang available capacity sa Luzon grid ay 9,083 megawatts habang ang peak demand ay nasa 0,051 megawatts.

Kabilang sa mga plantang nagkaroon ng unexpected shutdown ay ang Calaca 2, GN Power 2, Masinloc 1, Sual 2 at Pagbilao 1.

Kung susumahin aabot sa 1,960 megawatts ang kuryenteng nawala dahil sa pag-shutdown ng nabanggit na mga power plant.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *