M 5.2 na lindol, naitala sa Davao Occidental


Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Davao Occidental .

Ayon sa phivolcs naramdaman ang pagyanig kaninang alas dyes ng umaga .

Natukoy ang epicenter ng lindol 89 kilometers timog silangan ng Sarangani , Davao Occidental .

Sa lakas ng pagyanig naramdaman ang Intensity II  sa Alabel, Sarangani at  Intensity I naman sa Kiamba, Sarangani; Koronadal City; General Santos City.

Wala namang napaulat na napinsala sa naturang pagyanig at wala ring inaasahang aftershocks.

PHIVOLCS

Please follow and like us: