Maalinsangang panahon, asahan sa susunod na tatlong araw, ayon sa Pag Asa

Patuloy na makakaranas ng mainit at maalinsangang panahon ang buong bansa sa susunod na tatlong araw bunsod pa rin ng pag-iral ng Ridge of High pressure area.

Sinabi ni Pag-Asa weather forecaster Samuel Duran, walang low pressurea area o LPA o bagyo man ang namataan nila sa loob ng Philippine area of responsibility o PAR.

Pero sa kabila nito, makararanas pa rin ang buong bansa ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers.

Iiral naman ang mahina hanggang sa katamtamang hangin na mula sa Timog-Kanluran patungong Timog-Silangang bahagi ng Luzon.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *