Mahigit 1 milyong halaga ng shabu nasabat sa high value suspect sa Tagbilaran city

Nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Tagbilaran City Police Drug Enforcement Team at SWAT, Tagbilaran CPO ng Bohol Provincial Police Office at PDEA-7 ang itinuturing na high-value drug suspect sa Tagbilaran city.

Nakilala ang suspect na si Palawan Macaorog Disamborong, 51-anyos at residente ng Brgy. Taloto, Tagbilaran City.

Nasa 150 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng 1,020,000 milyong piso ang nakuha sa suspect.

Ayon sa PNP, kabilang si Macaorog sa police watchlist.

Nasa kustodiya na ng Tagbilaran city police ang suspect at nahaharap sa mga kaukulang kaso.

Please follow and like us: