Mahigit 100 bagong COVID case nadagdag sa CALABARZON

Aabot na sa 64,410 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON.

Sa tala ng DOH Center for Health Development- CALABARZON, nadagdagan ng 124 panibagong kaso ng virus ang rehiyon.

Gayunman, nasa 4,266 na lamang ang aktibong kaso matapos gumaling na ang 63,202 pasyente at pumanaw ang 1,942.

Ang Laguna ang may pinakamaraming kaso na 18,385 pero mula sa nasabing bilang ay 793 na lang active cases.

Patuloy naman na paalala ng kagawaran na sundin ang health protocols para hindi kumakalat at mahawahan ng sakit.

Moira Encina

Please follow and like us: