Mahigit 1,000 COVID-19 recoveries, naitala sa CALABARZON

Mahigit 95,000 na ang gumaling mula sa COVID-19 sa CALABARZON.

Ito ay matapos makapagtala ng mahigit 1,000 recoveries sa rehiyon.

Ayon sa DOH Center for Health Development- CALABARZON, kabuuang 95,455 pasyente ang nakarekober na mula sa virus kung saan 1,035 ang bagong gumaling.

Gayunman, nadagdagan ang aktibong kaso ng sakit sa Region IV-A ng 1,442 bagong pasyente.

Dahil dito, aabot na sa 24,224 ang active cases sa CALABARZON.

Sa kabuuan ay halos 123,000 ang kumpirmadong COVID infections sa rehiyon mula noong nakaraang taon.

Nasa 3,200 naman ang pumanaw dahil sa virus.

Pinakamarami ang aktibong kaso sa Cavite na mahigit 8,600 at sumunod ang Laguna na mahigit 5,500.

Moira Encina

Please follow and like us: