Mahigit 10,000 sa mga umuwing OFW sa bansa nagpositibo sa COVID-19

Umabot na sa 593,802 Overseas Filipinos ang dumating sa bansa.

Ayon sa Department of Health, sa bilang na ito ay 590,201 ang nakatapos nanng quarantine period at nakauwi na sa kani- kanilang pamilya.

Habang ang 10,188 naman ay nagpositibo sa COVID-19.

Sa bilang na ito, 6,395 ang land based OFW habang 3,793 ang sea based.

Ayon sa DOH ang 9,590 sa kanila ay nakarekober na mula sa virus habang ang 543 naman ay naka admit parin sa mga COVID-19 treatment facilities.

May 5 naman sa kanila ang nasawi.

Madz Moratillo

Please follow and like us: