Mahigit 16,000 bagong kaso ng Covid-19, naitala sa bansa

Umabot na sa 146,510 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa bansa sa kasalukuyan.

Ito’y matapos na makapagtala ang Department of Health ng 16,621 bagong kaso ng COVID 19 sa bansa, habang 10,965 ang naitalang bagong gumaling.

May 148 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kaya umabot na sa 33,680 pa rin ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Sa ngayon ay 2,020,484 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,840,294 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: