Mahigit 178,000 na mga depektibong balota naimprinta ng NPO

Umabot na sa 178,998 ang nailimbag na depektibong balota sa National Printing Office.

Ayon kay Commission on Elections Commissioner George Garcia, katumbas ito ng 0.28 percent ng 67. 4 milyong balota na target maimprenta para sa halalan.

May 6 na milyon namang balota pa ang nasa quality control at isasailalim sa verification.

Ayon kay Garcia, ang mga depektibong balota ay susunugin sa harap ng mga kinatawan ng mga political party, iba pang election stakeholders at media.

Ito ay para maging kampante ang publiko sa gagawing halalan.

Madz Moratillo

Please follow and like us: