Mahigit 2k passports, naghihintay na ma-pick-up sa ilang claiming sites

Umabot sa mahigit 2,000 pasaporte na hindi pa naide-deliver ang naghihintay na lang na ma-pick-up sa ilang claiming sites sa buong bansa.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs USEC for civilian security and consular affairs Brigido Dulay , kabuuang 2,017 passports ang nasa temporary off-site passport services o tops mula july 7, 2021 hanggang february 8.

Ang mga passport na ito ay ang bigong ipadala sa mga aplikante sa tatlong attempt dahil hindi sila ma-contact.

Para ma-verify na kasama ang inyong passport dito, magpadala ng email sa dfa na may subject na “unclaimed passport inquiry”.

Please follow and like us: