Mahigit 300 bagong kaso ng COVID-19 naitala sa CALABARZON

Naragdagan ng mahigit 300 bagong kaso ng COVID-19 ang CALABARZON.

Sa datos ng DOH Center For Health Development- CALABARZON, kabuuang 73,348 na ang kumpirmadong nahawahan ng COVID sa Region IV-A matapos madagdagan ng 320 bagong kaso.

Pero sa nasabing bilang ay 4,315 na lamang ang aktibong kaso dahil gumaling na mula sa sakit ang 66,951 at pumanaw ang 2,082 sa rehiyon.

Patuloy na paalala ng mga otoridad na nananatili ang banta ng COVID kaya sundin ang minimum health protocols gaya ng paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask, physical distancing, at pag-alam sa tamang impormasyon.

Moira Encina

Please follow and like us: