Mahigit 300,000 pamilyang Pilipino, graduate na sa 4Ps – DSWD

 Kabuuang 339,650 na pamilyang Pilipino na benipisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ng pamahalaan ang inilipat na sa level 3 o kategoryang self sufficient ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Sa panayam ng programang Ano Sa Palagay Nyo,  sinabi ni DSWD ASEC. Rommel Lopez na awtomatikong inirerekomenda ang mga nasa level 3 para sa graduation o exit mula sa programa.

Samantala, 4,242 Household naman ang mananatili sa listahan ng mga benepisyaryo ng 4Ps dahil sila ay na-aassess bilang ‘Poor’.

Habang nasa 756,898 na pamilya aniya ang nasa Survival level at mananatili bilang benepisyaryo ng programa.

Unang nagsagawa ng re-assessment at revalidation ang DSWD at lumabas na nasa 1.1 milyong benepisyaryo ang nasuri na non-poor sa ilalim ng listahan ng National Household Targeting System for Poverty Reduction.

Ngunit inalmahan ito ng mga benepisyaryo maging ng mga Mambabatas.

Weng Deimoy

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *