Mahigit 4 na milyong pisong halaga ng smuggled na sigarilyo, nasabat sa Zamboanga City

Aabot sa 4.7 milyong pisong halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs at PNP sa Zamboanga City.

Ayon sa BOC, ang mga nakumpiskang smuggled na sigarilyo ay sakay ng 2 bangka na tinatawag na Jungkong.

Ang isang bangka na may pangalan na “M/V Mernalyn Z”ay may sakay na humigit kumulang 50 master cases ng iba’t ibang brand ng sigarilyo habang ang isa pa na may pangalan namang “M/J AZ-ZHAHIR ay may sakay na 87 master cases ng sigarilyo.

Ayon sa BOC, maliban sa mga sigarilyo, kinumpiska rin nila ang dalawang bangka dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.

Madz Moratillo

Please follow and like us: