Mahigit 4,000 na bagong kaso ng Covid-19 naitala sa bansa

Bumaba na sa 47,419 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa bansa sa kasalukuyan.

Itoy matapos na makapagtala ang Department of Health ng 4,289 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa, habang 6,399 naitalang bagong gumaling.

May 164 naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kaya’t umabot na sa 25,459 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Sa ngayon ay 1,450,110 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,377,132 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: