Mahigit 4,000 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa bansa

Nakapagtala ang Department of Health ng 4,777 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa.

Dahil rito, pumalo na sa 1, 280,773 ng kabuuang kaso ng COVID 19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 56,452 naman ang aktibong kaso.

May 7,122 naitalang bagong gumaling mula sa COVID 19.

Sa ngayon, umabot na sa 1,202,257 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.

May 95 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon, umabot na sa 22,064 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19. 

Madz Moratillo

Please follow and like us: