Mahigit 7 milyong pisong halaga ng shabu, nasabat sa Cebu City

Nasa kabuuang 7,140,000 pisong halaga ng shabu ang nasamsam mula sa isang suspect sa isinagawang buy-bust operation sa Cebu City.

Nakilala ang suspect na si Carlo Magno Escoton Tude, 36-anyos.

Isinagawa ang anti-drugs operation sa Magallanes St., Barangay Ermita ng pinagsamang puwersa ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Please follow and like us: