Mahigit 7,000 bagong kaso ng Covid-19, naitala sa bansa

Nakapagtala ng 7,835 bagong kaso ng Covid 19 ang Department of Health ngayong araw.

Sa kabuuan, umabot na sa 2,698,232 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 84,850 ang aktibong kaso.

May 5,317 naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 2,573,161 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa Covid-19 sa bansa.

Ayon sa DOH, may 89 na una na nilang naiulat na nakarekober sa sakit ang nasawi pala matapos ang kanilang validation.

May 154 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 40,221 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: