Mahigit na 17,000 Covid-19 patients sa QC, nakarekober na

Pumalo na sa 17,660 o 85% ang gumaling o nakarekober na Covid-19 patients sa Quezon City.

Ayon sa QC Epide­miology and Disease Surveillance Unit (CESU), nasa 2,428 na lamang o 12% ang aktibong kaso sa ngayon.

Kaugnay nito, sinabi ng QC government na sa tulong ng Octa Research team ng UP makikita ang mas komprehensibong datos at trend ng Covid-19 sa lungsod.

Samantala, patuloy naman ang paghikayat ng pamahalaang lokal ng Quezon sa kanilang mga residente na seryosohing sundin ng maayos ang pagsusuot ng face mask, face shield, social o physical distancing at madalas na paghuhugas ng kamay.

Belle Surara

Please follow and like us: