Mahigit P20 million halaga ng illegal na droga nasabat ng mga tauhan ng SPD sa Taguig city

Aabot sa dalawapung milyon pisong halaga ng iligal na droga ang nasabat ng mga tauhan ng Southern Police District sa kahabaan ng Pendatun Street kanto ngr Old housing Street Brgy. Maharlika villages Taguig city.

Naaresto ang dalawang suspect na kinilalang sina Basser Utto Gogo 32yrs old at Normina Datuan Paleg 26yrs old na kapwa residente ng Lower Bicutan Taguig city.

Sa initial report na nakarating kay Southern Police District Director Police brigadier General Kirby John Kraft nagsagawa ng oplan sita ang mga tauhan ng sub station 7 ng Taguig city Police Station kung saan naharang ang dalawang suspek.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang tatlong kilo na hinihinalang shabu na nagkakahalaga na aabot sa 20.4 milyon pesos.

Nakakulong na ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Virnalyn Amado

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *