Malabon city Mayor Lenlen Oreta, kinumpirmang positibo siya sa Covid-19

Sinimulan na ang contact tracing sa mga nakasalamuha ni Malabon city Mayor Lenlen Oreta.

Ito’y matapos lumabas sa kaniyang Swab test result ngayong Martes, March 23 na positibo siya sa Covid-19.

Gayunman, sinabi ng alkalde na asymptomatic siya at sa bahay muna siya magtatrabaho habang naka-quarantine.

Sinabi ni Oreta na patunay lamang ito na maitndi pa rin ang epekto ng virus sa Malabon at sa buong mundo.

Kaya matinding pag-iingat ang dapat gawin lalu na ang pagsunod sa mga health protocol.

Statement Mayor Oreta:

“This only shows na matindi pa rin ang epekto ng Covid-19 sa Malabon. Matinding pag-iingat ang kailangan lalo na ang pagsunod sa mga health protocols,” he said.

Nauna nang ipinahayag ng Department of Health (DOH) na bawat lunsod sa Metro Manila ay mayroong kaso ng Covid-19 variant.

Please follow and like us: