Malabong verification process sa IRR ng Mandatory Simcard Registration pinalilinaw ni Senador Grace Poe

Pinahihigpitan pa ni Senador Grace Poe sa National Telecommunications Commission ang verification process sa implementing rules and regulations ng bagong batas para sa Mandatory Simcard Registration.

Ayon kay Poe na Chairman ng Senate Committee on Public Services, malabo ang verification process sa IRR ng identification ng sinumang nagpaparehistro.

Paalala ng Senador, ang verification process ang first line of defense laban sa sinumang magtatangkang gamitin ang anumang impormasyon ng isang mobile telephone user at mga nagtatangkang magnakaw ng identity.

Mungkahi ng Senador, maaring magkaroon ng facial validation gaya ng ginagamit ng mga e wallet platform at ginagawa rin ito sa ibang bansa tulad ng Singapore.

Maari rin aniyang maglabas ng mas maraming guidelines ang NTC para gabayan ang mga telecommunications companies para masunod ang mga itinatakda ng batas.

Tiniyak naman ni Poe na gagamitin ng Senado ang Oversight function nito para imonitor ang mas mahigpit na implementasyon ng batas.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *