Malacañang ikinalungkot ang pagbasura ng CA sa appointment ni DOH Secretary Paulyn Ubial.

Nagpahayag ng kalungkutan ang Malakanyang sa panibagong cabinet officials na biktima ng makapangyarihang Commission on Appointment o CA.

Itoy matapos ibasura ng CA ang appointment ni Department of Health Secretary Paulyn Ubial.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na nakapanghihinayang ang kakayanan ni Secretary Ubial para makatuwang ni Pangulong Duterte sa paglilingkod sa kagawaran ng kalusugan.

Ipinarating din ng Malakanyang kay Ubial ang pasasalamat dahil sa matapat na paglilingkod sa gobyerno sa loob ng mahigit isang taon sa DOH.

Si Ubial ang ikalimang cabinet official na hindi kinumpirma ng CA matapos sina dating DFA Secretary Perfecto Yasay, dating DENR Secretary Gina Lopez, dating DSWD Secretary Judy Taguiwalo at dating DAR Secretary Rafael Mariano.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *