Malacañang nagtalaga ng 19 panibagong piskal sa bansa

Muling humirang si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga bagong piskal sa National Prosecution Service ng DOJ.

Sa pinakahuling listahan na natanggap ni Justice Secretary Menardo Guevarra, 19 na piskal ang itinalaga sa ibat- ibang pwesto sa mga prosecution offices sa buong bansa.

17 sa mga bagong appointees ay inilagay sa mga bakanteng posisyon sa mga tanggapan ng NPS sa Cavite, Tarlac, Catanduanes, Isabela City, Dasmariñas City, Pagadian City, Biñan City, San Jose City, Isabela, Iligan City, Bais City, Iloilo City, Batanes, Cebu, at Malabon City.

Dalawa naman sa new appointments ay sa Office of the Secretary of the Justice Prosecution Staff.

Kamakailan lang ay 20 appointments ng piskal ng National Prosecution Service ang nilagdaan ng presidente.

Moira Encina

Please follow and like us: