Malacañang, wala pang pwesto na maibibigay kay ex-Sen. Estrada

Wala pang plano ang Malacañang na bigyan ng puwesto sa gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Senador Jinggoy Estrada.

Ito’y sa harap na rin ng tila pahaging ni Estrada ng pagiging bukas nito sa alinmang posisyon sa gobyerno sakaling alukin ng Pangulo.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, wala siyang ideya sa nasabing usapin dahil hindi naman aniya ito napag-uusapan sa pagpupulong.

Tikom din ang bibig ni Abella hinggil sa pahayag ng Justice Department na gawing state witness si Estrada kaugnay sa kontrobersyal na pork barrel fund scam.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *