Malakanyang, dumistansya sa mungkahi ni Speaker Pantaleon Alvarez na bumuo ng United Nations of Asia

Tumangging magbigay ng komento ang Malakanyang sa panukala ni House Speaker Pantaleon Alvarez na isulong ng Pilipinas ang pagbuo ng United Nations of Asia.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na personal na opinyon ni Speaker Alvarez ang kanyang mungkahing bumuo ng UN of Asia.

Ayon kay Roque nirirespeto ng Malakanyang ang opinyon ng sinuman kakampi man o kritiko ng administrasyon.

Magugunitang iminungkahi ni Speaker Alvarez na bumuo ng UN of Asia matapos lumabas ang report ng US Intelligence Community na banta sa demokrasya ai Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kanyang kampanya sa ilegal na droga. 

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *