Malakanyang handa sa banta sa buhay ng Pangulo at planong ibagsak ang gobyerno

Hindi isinasantabi ng Malacanang ang balitang mayroong banta sa buhay ni Pangulong Rodrigo Duterte at planong pabagsakin ang adminsitrasyon.

Ito ang sinabi ng Malacanang sa harap na rin ng ibinunyag ni dating Manila Councilor Greco Belgica na pinaplano umano ng Liberal Party na ipapatay si Pangulong Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella anumang banta sa buhay ng Pangulo ay sineseryoso ng pamahalaan at iniimbestigahan ito para mabatid kung may katotohanan ang nasabing impormasyon.

Sinabi ni Abella na kailangang maglabas si Belgica ng mga ebidensiya na magpapatunauy sa kanyang mga alegasyon.

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *