Malakanyang ipinapaubaya na sa PCGG kung paano maididispatsa ang multi-milyong pisong mga alahas ng pamilya Marcos

Nasa kamay na ng Presidential Commission on Good Government o PCGG ang anomang hakbang na posibleng gawin nito sa mga alahas ng pamilya Marcos. 

Sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea, naabisuhan na nila ang PCGG at binibigyan ng freehand kung paano maididispatsa ang Marcos Jewelry collection.

Ayon kay Medialdea kung ano ang itinatakda ng batas, panuntunan at regulasyon  hinggil dito ay bahala na ang PCGG at hindi makikialam ang Malakanyang.

Inihayag ni Medialdea nais ni Pangulong Duterte na matiyak na may pakinabang ang mga Pilipino sa mga alahas ng mga Marcos.

Ulat ni Vic Somintac
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *