Malakanyang tiniyak na walang whitewash sa kaso ng pagpatay kay dating UP student Carl Angelo Arnaiz

Walang magaganap na whitewash na  sa kaso ng pagpatay sa 19 na taong gulang na dating UP student na si Carl Angelo Arnaiz.

Ang pagtiyak ay ginawa mismo ng Malakanyang matapos makarating ang ilang impormasyon sa sinapit ng binata sa kamay ng mga miyembro ng Caloocan City police.

Sa press briefing sa Malakanyang ginarantiyahan ni Presidential Spokesman  Ernesto Abella ang isang patas na imbestigasyon kaugnay ng insidente.

Sinabi ng tagapagsalita ni Pangulong Duterte na magiging masusi ang gagawing pagsilip sa naging kaso ng pagpatay kay Arnaiz.

Sinasabing dumepensa lang ang mga pulis laban sa 19 na taong gulang na binata na umano’y suspek sa pangho-hold up sa isang taxi driver pero lumabas sa SOCO report na walang indikasyon silang nakita na itoy nanlaban.

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *