Malaking job fair binuksan sa Quezon City Hall ngayong Labor Day

Kaugnay ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa ay binuksan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte kasama ng mga opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE), ang isang malaking job fair sa harap ng City Hall..

Sinabi ni Mayor Belmonte, na mahigit sa siyam na libong job vacancies, local and abroad ang i-aalok ngayon sa lungsod ng Quezon, sa ilalim ng QCPESO o Quezon City Public Employment Service Office.

Bukod sa job opportunities sa Quezon City, makaka-avail din ng murang bilihin sa ilalim ng KADIWA Program ni Pangulong Bongbong Marcos.

Mahigit isangdaang employer ang sumali sa naturang job fair na nag-aalok ng local at overseas jobs.

Natuwa naman ang job applicants dahil sa oprtunidad na makahanap ng trabaho.

Samantala, nagkaloob din ng livelihood package ang local government ng Quezon City sa mga pamilyang walang pinagkakakitaan.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *