Maligaya Summer Blast 2019 sa Ciudad de Victoria dinagsa na ng mga tao

Muling  inilunsad ang  Maligaya Summer Blast 2019 sa Ciudad de Victoria sa Bocaue Bulacan.

Ibat ibang  aktibidad,performance ng ilang sikat na banda,  mga piling singer  at new attraction sa The Garden ang maaring makita.. 

Matatandaan na taong 2015 unang inilunsad ang nasabing aktibidad para sa pamilyang miyembro ng Iglesia Ni Cristo, at bukas rin ito sa lahat at maging sa mga non member  na  nagnanais masilayan ang loob at labas ng  Philippine Arena maging ng the garden.

 Bukod dito ibat ibang rides ,ang maaring lahokan ng mga kabataan,

Mayroon ding tiangge,at  mabubusog ka naman sa mga produktong pagkain ng Embrace café  at iba pang nakakatakam na pagkain sa palibot ng  Philippine  Arena

 Bakas ang saya at tuwa sa mga  nagsidalo sa nasabing programa ng INC.

Layon  ng aktibidad na mas mapatatag pa ang relasyon ng bawat pamilya at mailayo ang mga kabataan  sa ibat ibang uri ng bisyo. 

 Nagpasalamat din ang ilan, dahil sa mga ganitong inilalaang proyekto ng inc. ay nagkakaroon ng panahon ang bawat isa na magkasama sama.

Ulat ni Jimbo Tejano

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *