Manila LGU handa na sa pagdating ng COVID-19 vaccines

Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang kanilang kahandaan para sa vaccination program sa oras na dumating na ang mga bakuna para sa covid 19.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, handa na rin ang kanilang cold storage facilities anumang brand ng bakuna ang dumating.

Ang pahayag ay ginawa ng alkalde Kasabay ng pagbisita ng CODE team sa Sta Ana Hospital kung saan naroon ang cold storage facility ng lungsod.

Pinuri naman ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr ang kahandaan ng Maynila sa vaccination program.

Kaugnay nito tiniyak naman ni FDA Director General Eric Domingo na ang mga bakunang kanilang aaprubahan ay ligtas at epektibo.

Madz Moratillo

Please follow and like us: