Manila LGU nag-anunsyo na wala munang COVID-19 vaccination ngayong araw

Nag-anunsyo ang lokal na pamahalaan ng Maynila na wala munang bakunahan kontra COVID-19 ngayong araw.

Ang araw na ito kasi ay deklarado bilang Special non working holiday.

Dahil diyan, sa Biyernes, December 9, muling ipagpapatuloy ang mass vaccination.

Ginagawa ito sa mga health center sa lungsod.

Sa datos ng Manila LGU naabot na nila ang higit sa 100% ng target maturukan ng primary doses pero sa 1st booster ay hindi pa.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *