Manila LGU nagbabala sa mga fake news

Nagbabala ang lokal na pamahalaan ng Maynila laban sa mga kumakalat na fake news ngayon lalo na sa social media.

Kasunod ito ng paglutang ng dating ordinansa sa Lungsod na nag- aatas ng pansamantalang pagsasara ng mga mall at kahalintulad na establisyimento.

Ayon sa Manila LGU ang nasabing ordinansa ay inilabas noong Marso pa ng nakaraang taon matapos ilagay sa Enhanced Community Quarantine ang Metro Manila.

Paglilinaw ng Manila LGU, hindi na epektibo ang Ordinance 8617 na ito.

Hinikayat naman ang publiko na maging mapagmatyag at mapanuri para hindi mabiktima ng mga maling balita.

Madz Moratillo

Please follow and like us: