Manila LGU nagpadala na rin ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Rolly

Nagpadala na rin ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Maynila para sa mga kababayan nating sinalanta ng Bagyong Rolly sa Albay.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, dalawang truck na may kargang 1 libong sako ng bigas ang kanilang ipinadala sa Albay.

Ang mga bigas ay itu-turn over aniya sa Albay Provincial Capital.

Ang Albay ay isa sa matinding hinagupit ng Bagyong Rolly.

Madz Moratillo

Please follow and like us: