Marawi city Mayor Majul Gandamra, nagpositibo sa Covid-19

Inanunsyo ni Marawi Mayor Majul Gandamra na nagpositibo siya sa Covid-19.

Sa kaniyang ipinadalang mensahe sa official Facebook account ng Marawi City, sinabing ito ang resulta ng kaniyang RT-PCR test na lumabas kagabi.

Dahil dito, hinikayat ng alklade ang lahat ng kaniyang mga nakasalamuha na kaagad sumailalim sa testing o quarantine sa kanilang mga tahanan o sa mga quarantine facilities.

HIndi rin dapat katakutan ang bakuna dahil ito ang magsisilbing proteksyon ng bawat isa laban sa nakamamatay na karamdaman.

Dapat din aniyang magsilbing wake-up call ito upang manatiling mapagmatyag ang bawat isa at mahigpit na sumunod sa mga Health protocol.

Please follow and like us: