Mas mababang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH ngayong araw

Nakapagtala ang Department of Health ng 4,487 bagong kaso ng COVID 19 sa bansa.

Dahil rito, pumalo na sa 1,154,388 ang kabuuang kaso ng COVID 19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 52, 291 naman ang aktibong kaso.

May 6,383 naitalang bagong gumaling mula sa COVID 19.

Sa ngayon, umabot na sa 1,082, 725 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.

May 110 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon, umabot na sa 19, 372 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: