Mas mahigpit na pagbabantay sa mga border at pagpapatupad ng travel restrictions sa bansa inirekomenda

Inirekomenda ni Senator Christopher Bong Go ang mas mahigpit na pagbabantay sa mga border at pagpapatupad ng travel restrictions sa bansa.

Sa harap ito ng ulat ng nadiskubreng bagong strain ng COVID-19 sa United Kingdom na sinasabing mas nakakahawa.

Ayon sa Senador , dapat maging handa ang mga ahensya ng gobyerno at hindi na dapat hintaying kumalat pa bago umaksyon.

Kasama sa mga mahigpit na pinababantayan ng Senador ang mga backdoor at mga border lalo na sa Mindanao.

Suportado ng Senador sa mga panawagang magpatupad ng travel ban sa lahat ng mga bansang apektado ng bagong strain ng virus.

Aniya , kung gaano kabilis kumalat at mag – evolve ang bagong virus dapat mas mabilis at akma ang aksyon at mga mekanismo ng gobyerno para protektahan ang buhay ng bawat pilipino.

Meanne Corvera

Please follow and like us: