Masbate at Baguio City, nilindol

Niyanig ng magnitide 3.6 na lindol ang bayan ng Claveria sa Masbate.

Naitala ang lindol sa 17 kilometrong timog ng Claveria, 2:53 ng madaling araw kanina.

May lalim itong 10 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Bunsod nito, naramdaman ang intensity 2 sa Masbate City.

Hindi naman inaasahang magdudulot ito ng pinsala at aftershocks.

Samantala, niyanig naman ng magnitude 3.4 na lindol ang Baguio City, lalawigan ng Benguet, 8:42 ng umaga kanina.

May lalim itong 7 kilometro at tectonic din ang pinagmulan.

 

=== end ===

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *