Masbate, binayo ng malakas na hanging dala ng bagyong Bising

Hinagupit ng malalakas na hanging dala ng bagyong Bising ang ilang bahagi ng lalawigan ng Masbate.

Sa bayan ng Mandaon ilang poste ng Masbate Electric Coop. Inc. (MASELCO) sa Barangay Bat-ongan ang bumagsak matapos bayuhin ng malakas na hangin.

Ilan sa mga poste ang bumagsak sa mismong gitna ng kalsada kung kayat hindi makadaan ang mga sasakyan.

May mga puno rin na bumagsak dulot ng bagyong Bising.

Sa may parteng Milagros at Malinta naman, marami ring poste ng MASELCO ang bumagsak, kung kaya’t nag-brown out sa ilang bayan ng Masbate.


Ems Cajurao / Masbate Correspondent

Please follow and like us: