Matrix na susundin sa alert level 1 sa ibat – ibang lugar sa bansa , Inihahanda na ng IATF ayon sa Malakanyang

Tinatalakay na ng Inter Agency Task Force o IATF ang matrix na susundin sa pagsasailalim sa Alert level 1 sa ibat-ibang lugar sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles kung magtutuloy-tuloy na ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 ay posibleng isailim na sa Alert level 1 o new normal ang maraming lugar.

Ayon kay Nograles batay sa rekomendasyon ng mga health experts ng Department of Health o DOH maaari ng ilagay sa Alert level 1 ang isang lugar kung umabot na sa 70 percent ang fully vaccinated na populasyon at mababa narin ang average daily attack rate ng kaso ng COVID -19 ganundin nasa low risk category na ang health care utilization.

Inihayag ni Nograles sa ilalim ng Alert level 1 inoobliga ng IATF ang mga local government units o LGUS na mahigpit na ipatupad ang minimum standard health protocol na mask hugas iwas.

Vic Somintac

Please follow and like us: