Maute-ISIS group na nag-o-operate sa Mindanao, may hidwaan na ayon sa militar

download
courtesy of wikipedia.org

Nakatanggap ng impormasyon ang militar na may hidwaan sa loob ng Maute-ISIS group na nag-o-operate sa Mindanao.

Ayon kay Joint Task Force Marawi Spokesman Lt. Col. Jo-ar Herrera, ilang isyu ang hindi napagkakasunduan ng mga pinuno ng teroristang grupo.

Pangunahin na rito ang usapin ng hatian sa pera at ang kakulangan ng supply ng kanilang armas.

Tumanggi naman si Herrera na ibigay ang iba pang detalye ng kanilang natanggap na report mula mismo sa war zone.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *