Maynilad, nag-anunsyo ng water interruption simula mamayang gabi sa ilang bahagi ng Quezon City at Caloocan


Simula mamayang 11:00 gabi, mawawalan ng tubig ang bahagi ng Barangay 171 sa Caloccan city hanggang 4:00 ng umaga bukas.

Bukas naman, April 17, apektado ng water interruption ang bahagi ng Barangay 175 sa Caloocan City simula 10:30 ng gabi hanggang 3:30 ng umaga ng Miyerkules.

Mawawalan din ng tubig ang bahagi ng Barangay 176 at 184 sa Caloocan City, at Barangay Greater Lagro sa Quezon city bukas, mula 11:30 ng gabi hanggang 3:30 ng umaga ng Miyerkules.

Inabisuhan ng Maynilad ang mga apektadong residente na mag-imbak ng tubig, dahil posible ring maantala ang pagbabalik ng suplay ng tubig.

================

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *