Meat processing Hub, ipinatayo ng Dept. of Agriculture Calabarzon para sa mga magbababoy sa San Luis Batangas.


Nagpatayo ang Dept. of Agriculture Calabarzon ng bago at upgraded meat processing hub sa Brgy. Bonliw, San Luis, Batangas. 
Ito ay bahagi ng Technology Commercialization Project ng ahensya na pinondohan ng DA-Bureau of Agricultural Research. 
Nasa limamput-anim na mga magbababoy ang makikinabang sa naturang proyekto ng D.A kung saan ay nakatanggap ang kanilang barangay ng iba’t-ibang mga kagamitan at kasangkapan para sa meat processing. 
Nagpapasalamat naman ang mga magsasaka ng San Luis, Batangas sa natanggap nilang tulong pangkabuhayan sa mga kagaya nilang naapektuhan ang kabuhayan bunsod ng mga nagdaang kalamidad at pandemiyang patuloy na nararanasan dahil sa covid 19.

Please follow and like us: