MECQ sa Tuguegarao City palalawigin pa

Muling palalawigin ang Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ sa lungsod ng Tuguegarao, simula ngayong araw Mayo 1 hanggang Mayo 7, 2021 dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng aktibong kaso ng COVID-19, kung saan umabot na ito kahapon sa 1,072.

Karamihan sa 130 naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod ay bunga ng community transmission, habang may 75 namang nakarecover at isa ang nasawi.

Kaugnay nito, muling umapela sa publiko ang pamahalaang panglungsod na sundin ang health safety protcols sa lahat ng oras, tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield at pagsunod sa social distancing, maging ang palagiang paghuhugas ng mga kamay.

Ulat ni Nhel Ramos

Please follow and like us: