Mga balikbayang pinoy na positibo sa COVID-19 papasukin na sa bansa – IATF

Inaprubahan ng Inter Agency Task Force o IATF ang pagpasok ng mga Pinoy travellers na galing sa ibang bansa na gumaling na sa COVID-19 subalit nagpopositibo parin sa required pre- departure RT- PCR test.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na kailangang lang na makapagpakita ng medical certificate ang isang Pinoy international traveller na inisyu ng isang licensed physician mula sa country of origin.

Ayon kay Nograles dapat na nakasaad sa medical certificate ng biyahero na hindi na siya nakakahawa bagamat positibo parin siya sa COVID-19 RT-PCR test.

Inihayag ni Nograles na kailangang sumailalim sa facilty based quarantine ang kinuukulang biyaherong Pilipino na positibo sa COVID-19 pagdating dito sa bansa.

Vic Somintac

Please follow and like us: