Mga barko ng Aleson shipping lines isu-survey ng MARINA

Isasailalim na sa survey ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang lahat ng barko ng Aleson Shipping Lines, ang may-ari ng nasunog na MV Lady Mary Joy 3.

Ginawa ni MARINA Administrator Atty. Hernani Fabia ang utos para matiyak na compliant lahat ng barko ng kumpanya at mapigilan ang kaparehong insidente.

Paiigtingin din umano ng MARINA ang monitoring sa iba pang barko na naglalayag sa bansa.

Nagpa-abot naman ng pakikiramay ang MARINA sa pamilya ng mga nasawi.

Inatasan na rin ng Maritime agency ang Aleson Shipping Lines na tiyakin ang assistance sa mga biktima at kanilang pamilya.

Nasa 31 ang kumpirmadong nasawi sa insidente matapos magtalunan sa dagat ang mga nag-panic na pasahero kahit hindi pa nakapagsuot ng life vest.

Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *