Mga binaklas na campaign materials na ginamit sa katatapos na halalan, personal na ininspeksiyon ni COMELEC Chairman George Garcia


Umabot sa 64.5 tonelada nang binaklas na campaign materials na kinabibilangan ng posters at tarpaulins na tinanggal sa National Capital Region (NCR), ang nakaimbak sa Payatas Controlled Disposal Facility sa Barangay Payatas, Quezon City.
Sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia, na nakalulungkot isipin na sa kabila nang kautusan ng poll body na limang araw pagkatapos ng eleksiyon ay kailangang baklasin ng mga kandidato, nanalo o natalo ang kanilang ikinabit na campaign materials, subalit ang Task Force Baklas ng COMELEC katulong ang local government units (LGUs) pa rin ang gumawa nito.
Ayon kay Garcia, maraming mga kandidato ang hindi sumunod sa resolusyon ng COMELEC na ang dapat gamitin na campaign materials ay mga biodegradable, dahil 100% ng mga binaklas na campaign materials ay non-biodegradable na nagtataglay ng toxic materials na nakasasama sa kalusugan at kalikasan.
Nagpasalamat naman si Garcia sa lokal na pamahalaan ng Quezon City kasama ang cause-oriented groups at Ecowaste Coalition, dahil tinulungan ang COMELEC sa pagbabaklas ng campaign materials na isasailalim sa recycling process para mapakinabangan.
Inihayag ni Garcia, na dapat mabago ang mind setting ng mga kandidato at sumunod sa kautusan ng COMELC, dahil ito ay paglabag sa batas sa ilalim ng Republic Act 9006 o Faur Election Practices Act, at mayroon nang kulang-kulang 100 mga kandidato na lumabag ang nasampahan ng kaso.
Sinabi naman ni Richard Santuille, head ng Department of Sanitazion ng Quezon City, na nalinis ng ng pamahalaang lokal ng lungsod ang ginamit na campaign materials at ito ay inimbak sa Payatas Controled Disposal Facility.
Ayon naman kay Mona Yap, head ng Small Business Cooperative and Promotion Office ng Quezon City, na ang mga binaklas na campaign materials na isasailalim sa recycling process ay gagawing bag na maaaring gamitin sa pamamalengke o kaya ay lalagyan ng giveaways sa mga okasyon.
Aniya, ang recycled bags na kanilang ginagawa ay nagkakahalaga ng 399 – 499 pesos sa ordinaryong disenyo at ang special edition na bag ay nagkakahalaga naman ng 800 pesos.
Samantala, sinabi ni Garcia na patuloy ng paalala ng poll body sa mga pulitiko laluna at idaraos sa December 1 ang Sangguniang Kabataan at Barangay elections, na sumunod sa rtamang paggamit ng campaign materials para lalong maging maayos ang eleksiyon sa bansa.
Vic Somintac