Cabinet officials, handang unang sumalang sa anti- Covid-19 vaccine rollout

Niliwanag ni Secretary to the Cabinet Karlo Alexi Nograles na hindi kasama ang mga Cabinet officials sa priority list ng mga unang tatanggap ng anti COVID-19 vaccine na darating sa bansa ngayong buwan ng Pebrero.

Sinabi ni Secretary Nograles na kung hihilingin ng mga vaccine expert na isama ang mga Cabinet members sa unang sasalang sa anti COVID-19 vaccination para kumbinsihin ang publiko na tanggapin at pagtiwalaan ang bakuna ay hindi magdadalawang isip ang mga miyembro ng Gabinete.

Ayon kay Nograles, siya mismo ay papayag na magpabakuna kahit anong brand ng anti COVID 19 vaccine basta ito ay dumaan sa pagsusuri at pagpapatibay ng Food and Drug Administration (FDA) kasama ang mga Panel of Vaccine expert.

Niliwanag ni Nograles na iniiwasan ng mga Cabinet officials na maakusahan sila na nakikipag-unahan sa mga nasa priority list na dapat unang tatanggap ng anti COVID 19 vaccine na kinabibilangan ng medical frontliners.

Vic Somintac

Please follow and like us: